Monday, July 16, 2007

Isyu ng Babae

Isyu ng Babae
Ella del Rosario

Ang suwerte mo naman.

Sinamba ko ang iyong pangalan,

Hinintay kita bago ako sumakay ng MRT,

Ipinagtabi pa kita ng catsup sa McDo.


Ang labo mo naman.

Sumama ka sa ‘yong mga kaibigan.

Ano’ng gagawin ko sa catsup na ito?

At sana di ako nakipagsiksikan pauwi.


Ang tanga ko naman.

Ako ngayon ang pinagtatawanan,

Natuto raw akong magdasal at maghintay,

At hindi ka raw naman nagte-text.


Atsaka ko nalaman…

Malabo lang talaga ang mata mo,

Mahina ang pandinig,

At wala kang load.

No comments: